Thursday, October 21, 2010

Ilan?

Ilan ba? Alin? Pag iba at naalog ang bahay komportableh mo, mali na agad sayo? O baka may tinuturo si demonyo ng katawan mo na hanapin mo ang anghel. Naiinis ka dahil di ka mapakali kung nasan na ang pinanghahawakan mo. O baka ikaw lang ang nagiisip na umaalis sayo? Pag maganda, masarap, sa iyo, pag pangit at mapait na sa akin? Damutan sa pamamagitan ng plastikan? Walang may gusto niyan diba? O ikaw? Baka gusto mo. Perwisho ang bisho. Sige pero alam mo pag basura yan. Bumabalik sayo. Bigay ng bigay ang tao, bakit kailangang bigyan diin ang kaligayahan ng iyong pang gagancho? Sige lumutin ka ng kakitiran mo. Ako nalang ang iintindi sayo. Ay OO ikaw na nagsasabing Ibalik ang ano? Nawala pala sayo? Ganun? Maghukay kapa para sa pag asa. Wag para sa katawan ng iyong kapwa. Ang daming kailangang gamutin. Alam ko na gusto mong manugat ng malalim. O sige. butasin mo pa ang butas na. Kaya ka nga nakakakita ng maganda. Bintana ng kagandahan mo, wag mung isarado. Kaya ikaw, damahin mo ang pagbabago. Kelan ka inutusan ng bibig ko na gawin mo ang di mo gusto? Di naman yata pwedeng puro kayo. Para po. Kung di mo kayang puntahan ang sinasakyan ng iba, ikaw ang bumaba. Tignan mo kasi mabuti kung saan papunta yung sinasakyan mo. Tignan mo, nasan na ba tayong lahat sa kinalulugaran nato? Pwedeng maganda, pwedeng panget. Magisip ka nalang bago ka humiret. Ako din. Wala akung panahon sa siraan. Kasi maraming angulong pwedeng puntahan. Di ako matapos tapos jan. Pagmamahal para sa lahat ng gustong magmahal. Kung ayaw mo, sigurado, masakit ang puso mo. Sayang ang tibok. Sarili mo ang sarili mong lason... Tara, sabay tayung sumubok umahon. Kuha mo?